Dadalo si Vice President Sara Duterte sa preliminary investigation ng Department of Justice dahil sa reklamong inihain laban sa kanya ng National Bureau of Investigation.
Ito’y matapos matanggap ni VP Sara ang summons mula sa office of the prosecutor dahil sa reklamo ng NBI hinggil pahayag nitong ipapatay si Pangulong Ferdinand Marcos Junior, First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay VP Sara, haharap siya sa DOJ pero tinatapos lang ng kanyang kampo ang counter-affidavit.
Una nang sinabi ni Prosecutor General Richard Fadullon na isasagawa ang preliminary investigation Mayo 9 hanggang 16.