Makikinabang na rin ang mga Pilipino sa ipinatutupad na visa free travel policy ng South Korea.
Batay sa ulat ng Yonhap News Agency, maaari nang pumasok ang mga Pilipino sa SoKor kahit walang visa mula ngayon hanggang Abril ng susunod na taon.
Gayunman, nilinaw ng SoKor na sa Yangyang International Airport lamang na malapit sa Pyeonchang maaaring magamit ng mga Pilipino ang naturang pribilehiyo.
Layon ng nasabing patakaran na palakasin ang turismo sa South Korea bilang paghahanda para sa 2018 Winter Olympics sa darating na Pebrero sa Pyeonchang.
—-