Umakyat na sa 22 ang nasawi sa tinaguriang weekend massacre sa Wallmart sa El Paso, Texas.
Patuloy ang pagdadalamhati ng mga mamamayan ng El Paso habang abala naman sa paghahanda ang alkalde ng syudad para sa inaasahang pagbisita duon ni U.S. President Donald Trump.
Sa kabila ito ng matinding kritisismo na inaabot ng Trump administration mula sa mga galit na residente ng el paso at democrats.
Ang mga sinasabing racist na pananalita ni trump ay kabilang anila sa mga dahilan kung bakit nagpapatuloy ang pagsiklab ng walang saysay na karahasan.