Kilala bilang Iron Lady of Filipino Politics, si dating Senador Miriam Defensor-Santiago na matapang na nanindigan sa mga pangunahing isyu ng bayan tulad ng katiwalian.
Pareho siyang kilala at kinatatakutan dahil sa kanyang talino at matalas niyang dila sa korte at sa mga rally.
Pero sino nga ba si Miriam Defensor-Santiago?
Tara, alamin natin.
Si Miriam Defensor-Santiago ay isinilang noong 1945, panganay sa pitong anak ng isang local judge at college dean sa Iloilo City.
Sa murang edad, naitanim na ng kanyang mga magulang ang kahalagahan ng edukasyon.
Pagkatapos ng high school at kolehiyo bilang valedictorian sa Iloilo City, ipinagpatuloy niya ang kanyang exceptional educational performance sa University of the Philippines College of Law sa Maynila.
Nang makumpleto ang kanyang degree sa abogasya, ipinagpatuloy niya ang kanyang Masters of Laws at Doctor of Juridical Science mula sa University of Michigan, na itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na law school sa United States. Bukod dito, nag-aral din siya sa Oxford at Harvard Law School.
Matapos nito, pumasok siya sa mundo ng politika sa Pilipinas.
Siya ay isang tanyag na mainstay sa pulitika ng Pilipinas, lalo na nang hayagang nagsalita siya tungkol sa katiwalian at kawalan ng katarungan na nakita niya sa kanyang paligid.
Maliban dito, naging patok rin sa mga kabataan ang mga witty jokes at pick-up lines na na-publish bilang isang libro.
Walong taon na ang nakalilipas, nang namatay ito sa kanser sa baga sa edad na 71-anyos.
Si Defensor-Santiago ay talagang isang icon para sa 21st century, na tinawag na “Iron Lady of Asia.”
Ang kanyang talino at mga nagawa, ay nananatiling simbolo ng katapangan at adbokasiya sa paghahangad ng katarungan at mabuting pamamahala.
Ikaw, kilala mo pa rin ba si senator Miriam Defensor-Santiago?