In the news na naman ang ating two-time Gold Medalist na si Carlos Yulo pero hindi sa sports kundi sa pag-susuot nito ng crop top.
Ano nga ba ang reaksyon ng netizen sa kaniyang fashion taste?
Tara, alamin natin.
Nakuha na naman ang atensyon ng publiko at netizen ni Olympic Gymnast Carlos Yulo hindi lang sa kaniyang athletic achivements kundi sa kaniyang bold fashion statement.
Sa kaniyang recent post sa Instagram, agaw pansin ang suot ni yulo na blue crop top with matching wash jeans, chunky black shoes at Louis Vuitton accessory bag habang namamasyal sa South Korea kasama ang kaniyang girlfriend na si Chloe San Jose.
Kaagad namang pinutakte ng iba’t ibang comments lalo na ang pamba-bash sa post ngunit nangibabawbaw ang support kay Yulo para sa kanyang bold fashion choice.
Maraming naka-highlight na bihira ang makakita ng isang straight na lalaki na may kumpiyansa na nagsusuot ng crop top, partikular na sa Pilipinas.
Kung saan nananaig pa rin ang mga konserbatibong pananaw sa pananamit ng mga lalaki.
Hindi lang naman si Carlos ang matapang na sumubok sa mga ganitong uri ng fashion sense gaya na lang ni Filipino-Singer Kyle Echarri, mga international icons na sina Harry Styles at Conan Gray.
Sa katunayan, nauso ang ganitong trend noong 1980’s .
Ikaw, anong masasabi mo sa pagsusuot ni Carlos Yulo ng crop top na damit?