Tiyak na gumugulong na ang vaccination program ng Pilipinas kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) kasabay ng mga kapitbahay na bansa tulad ng Singapore, Indonesia at Thailand, kung naging tapat lamang ang mga nakatalagang opisyal ng gobyerno.
Binigyang diin ito ni Vice President Leni Robredo na nagsabing kinailangan pang magkaroon ng congressional hearing para malinawan ang mga detalye ng pagbili ng COVID-19 vaccine ng bansa.
Sinabi ni Robredo na ang kawalan ng ‘transparency’ o pagiging tapat ng ilang opisyal din ang dahilan kung bakit marami pa ring hindi nagtitiwala sa bakuna.
Lumalabas sa Pulse Asia Survey na 50% lamang ng mga Pilipino ang hindi interesadong magpaturok ng COVID-19 vaccine na hindi sapat lalo na kung target ng gobyerno na maabot ang herd immunity ngayong taon.