Hindi na kailangan pang maglaan ng pondo para sa Bangsamoro transition ngayong taon dahil matagal ng may budget para rito.
Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos hilingin ni MILF Chief Negotiator Mohaguer Iqbal sa mga kongreso na isama sa pag-apruba ng pambansang pondo ang budget para sa pagpapatupad ng Bangsamoro Organic Law.
Ayon kay Panelo, sa kanyang pagkakaalam, mismong si Budget Secretary Ben Diokno ang nagsabing nakapaloob na ang pondo ng Bangsamoro sa proposed national budget.
Sa katunayan anya ay natuloy ang BOL plebiscite dahil matagal na itong pinaglaanan ng pondo ng pamahalaan.
(with report from Jopel Pelenio)