Pumanaw na si dating Foreign Affairs Secretary at Ambassador Roberto “Bobby” Romulo sa edad na 83.
Kinumpirma ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na sumakabilang-buhay ang kanyang tiyuhin noong linggo.
Hindi naman idinetalye ng kalihim ang sanhi ng pagkamatay ng dating embahador.
Nagsilbing DFA Secretary si Romulo sa ilalim ng administrasyong ramos noong 1992 hanggang 1995.
Bago nito, itinalaga munang embahador ng Pilipinas si Romulo sa Belgium, Luxembourg at Commission of the European Communities noong 1989 hanggang 1992.
Si Romulo ay anak ng kauna-unahang United Nations General Assembly President na si Carlos Romulo at pinsan ni dating Senador at Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo.