Naniniwala si Senate Minority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto the Third na bukod sa mga opisyal ng pamahalaan, dapat ding isama sa lifestyle check ang kanilang mga asawa.
Ginawa ng lider ng minorya ang pahayag matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isailalim sa lifestyle checking ang mga opisyal ng gobyerno sa gitna ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Sen. Sotto, maganda itong hakbang ng pamahalaan sa gitna ng isyu ng katiwalian sa mga infrastructure project ng pamahalaan.
Iginiit naman ni Senator Sherwin Gatchalian na sa pamamagitan ng lifestyle check, makikita kung sino ang mga tiwaling opisyal.
Mahalaga anya na maimbestigahan kung ang sahod ng mga opisyal ng gobyerno ay katumbas o tumutugon sa kanilang mga ari-arian.
Karaniwan anyang hindi nahihiya ang mga opisyal ng pamahalaan na ipagyabang sa social media ang kanilang mga property.