Pinapayagan na ng lokal na pamahalaan na umalis ng bansa ang mga US citizens na nag-expire na ang passport noong Enero 1, 2021.
Ito’y matapos atasan ni Commissioner Jaime Morente ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na payagan ang pag-alis ng mga pasahero na ang mga passport ay nag-expire mula a-uno ng Enero ng nakaraang taon at magtatapos sa Disyembre 31,2021.
Ang naturang panuntunan ay para lamang sa mga papaalis na pasahero ngunit kung may plano na manatili o i-convert ang kanilang visa ay kailangan magpresenta ng valid passport.
Bukod sa BI, inatasan rin ni Morente ang mga agency’s tourist visa section at alien registration division na iproseso ang lahat ng mga aplikasyon para sa pag-update ng mga emigration clearance certificates o ECC ng mga may-ari ng mga ma-eexpire na US passport.
Isinagawa ang desisyon matapos ipaalam ng US Embassy ang kalagayan ng mga US citizen na na-istranded sa bansa at hindi makauwi sa Amerika dahil sa COVID-19 pandemic.