Nagsagawa ng joint naval drills ang mga hukbong dagat ng Amerika at United Kingdom sa West Philippine Sea sa kauna-unahang pagkakataon mula nang magtayo ng mga isla ang China sa pinagtatalunang bahagi nito.
Ayon sa US Navy, lumahok sa pagsasanay ang guided missile destroyer na USS Mc Campbell at isang royal navy frigate na HMS Argyll na kasalukuyang on tour sa Asya.
Nagsagawa rin ng communication drills at iba pang exercises ang dalawang Navy bilang tugon sa common security priorities.
Ang naturang hakbang ay kasunod na rin nang paglayag ng British warship na HMS Albion sa Paracel Islands noong Agosto na inaangkin ng Beijing.
Habang nitong Enero naman nang maglayag din malapit sa nasabing isla ang Mc Campbell sa ilalim ng freedom of navigation operation.
—-