Nakapagtala ang Commission on Election ng mahigit walumpung libo katao ang nagparehistro sa unang araw ng nationwide registration sa buong bansa.
Batay sa datos ng COMELEC, may pinakamaraming voter registration sa Region 4-A na may kabuuang 14,754, sinundan ng National Capital Region na may 10,623; region 3; 10,143, Region 7; 7,890 at Region 1 na may 6,705 registrants.
Habang aabot lamang sa mahigit 400 ang nakapag-rehistro sa tanggapan ng COMELEC.
Matatandaang idineklara ng comelec ang Pebrero 12 bilang “National Voter’s Day” At pag-iisyu ng sertipikasyon para sa mga botante ng walang bayad.