Nangangamba na para sa kanyang kaligtasan si United Nations Special Rapporteur on the Rights of Indigenous Peoples Victoria Tauli-Corpuz.
Ito’y makaraang mapabilang si Corpuz sa 600 katao na hinihinalang komunistang rebelde na ipinadedeklara ng Department of Justice na mga terorista.
Nanindigan ang UN rapporteur na pawang kasinungalingan at walang batayan ang mga akusasyon laban sa kanya kaya’t nababahala na siya para sa kanyang kaligtasan maging sa iba pang rights activist.
Magugunita noong Disyembre ay inihayag ni Corpuz na libu-libong indigenous people sa Mindanao ang sapilitang umalis o pinaalis sa kanilang mga bahay dahil sa mga military operation.