Naalarma na rin ang Ibon Foundation na sila naman ang sunod na sasalakayin matapos ang mga tanggapan ng progresibong grupo sa Negros at sa Tondo Maynila.
Sa isang statement, ibinunyag ng Ibon Foundation ang pagtawag sa kanila ng nagpakilalang opisyal ng PNP NCRPO.
Ipinagbigay alam ‘di umano sa kanila ng naturang opisyal na magsasagawa ang PNP ng ocular inspection sa tanggapan ng Ibon Foundation dahil mayroong criminal case ang isa sa mga naroon sa gusaling kinaroroonan ng tanggapan.
Nagsabi umano ng oras ang opisyal hinggil sa ocular inspection subalit hindi ito nangyari.
Ayon sa Ibon Foundation, kumbinsido sila na bahagi ito ng kampanya ng pamahalaan kontra sa mga aktibista na nagsusulong ng karapatang pantao.
Matatandaan na ilang aktibista ang inaresto sa raid sa Negros at tatlo pa sa tanggapan ng Bagong Alyansang Makabayan sa Tondo, Maynila.