Sinimulan ng delegasyon mula sa Saskatchewan province, Canada ang isang linggong face-to-face recruitment ng Filipino nurses upang magtrabaho sa nasabing lugar.
Pinangunahan ito ni Saskatchewan Minister of Health Paul Merriman kasama ang ibang government official at ibang kinatawan ng healthcare institutions.
Target ng delegasyon na direktang makipag-ugnayan sa Filipino healthcare workers at aktibong isulong ang employment opportunities sa probinsya.
Pinuri naman ni Merriman ang mga Pinoy dahil sa pagiging ma-alaga, mapag-aruga at mahusay sa quality healthcare sa kanilang mga pasyente.
Nasa sa 1,000 hanggang 1,200 Filipino nurses ang kailangan ng canada upang magtrabaho sa Saskatchewan. – sa panulat ni Hannah Oledan