Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

‘Ulysses’ death toll umakyat na sa 37 —NDRRMC

by DWIZ 882 November 14, 2020 0 comment
BICOL REGION ULYSSES

Umakyat na sa 37 ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang lugar sa Luzon matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Cashean Timbal, sa nabanggit na bilang ay 20 sa Region 2; anim sa CALABARZON; lima sa Region 5; at anim naman sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Labing-lima (15) naman ang missing o patuloy na hinaharap ng mga awtoridad kung saan dalawa sa CALABARZON; walo sa Region 5; at lima sa CAR.

Samantala, binanggit ni Timbal na sumampa na sa 22 ang nasaktan sa nangyaring kalamidad na kinabibilangan ng tatlo sa Region 2; siyam sa Calabarzon; walo sa Region 5, at dalawa naman sa CAR.

Gayunman, nilinaw ni Timbal na nagsasagawa pa sila ng verification o validation sa mga naturang numero.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment