Mabibigyang linaw ang mga isyu laban kina Health Secretary Francisco Duque III at mga reklamo sa patakaran ng Department of Health (DOH) sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic oras na mag-imbestiga ang Ombudsman dito.
Ito ang naging pahayag ni Senate President Vicente Sotto III, makaraang magbitiw si Dr. Tony Leachon bilang special adviser ng Inter Agency Task Force (IATF) dahil sa mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng ilang DOH official at patakaran ng ahensya tulad ng kakulangan nito ng sense of urgency.
Paliwanag ni Sotto, isang pagkakataon ang isasagawang imbestigasyon ng Ombudsman para malinawanan ang maraming reklamo kay Health Secretary Duque sa pagtugon nito sa isyu ng COVID-19 pandemic.
Samantala, umaasa naman si Senadora Risa Hontiveros na mapapanagot ang mga indibidwal na nagkaroon ng kapalpakan at katiwalian sa paghawak nito.