Isinusulong ng ilang kongresista si Iloilo Representative Niel Tupas bilang kapalit ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima sa oras na magresign ito upang bigyang daan ang kanyang pagsabak sa pulitika.
Kasunod ito ng balitang kabilang si de Lima sa senatorial line up ng Liberal Party.
Ayon kay Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali, magaling at impressive ang credentials ni Tupas bilang Chairman ng House Justice Committee.
Aniya, pinangunahan ni Tupas sa impeachment process na nagpatalsik kay dating Chief Justice Renato Corona.
Nagtapos si Tupas sa University of the Philippines College of Law noong 1998 at pumasa sa bar exam sa gradong 83.05 percent.
By Rianne Briones