Muling naghain ng petisyon hinggil sa umento sa sahod ng mga manggagawa ang Trade Union Congress of the Philippines.
Ito’y matapos ibasura ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang naunang petisyon na inihain ng TUCP para sa P470 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagagawa sa Metro Manila dahil narin sa mga isyu sa hurisdiksyon.
Sa naging panayam ng DWIZ, kumpiyansa si TUCP spokesman Allan Tanjusay na mapagbibigyan ang hiling ng kanilang grupo.
Ayon kay Tanjusay, mismong ang mga employer at business group ang nagsabi na ang tanging kapangyarihan lamang ng Wage Board ay ang mga minimum wage earners o ang mga empleyadong nagtatrabaho sa pribadong sektor at hindi nito sakop ang across the board wage increase o ang mga sumasahod ng above minimum wage. — sa panulat ni Angelica Doctolero