Nakatakdang ideklara ni US President Donald Trump sa susunod na linggo ang national emergency kaugnay ng problema sa pag-abuso sa droga.
Ayon sa ulat layon nitong bigyan ng access ang mga estado sa federal funds para labanan ang naturang drug crisis.
Lumalabas na patuloy ang pagtaas ng opioid abuse sa Amerika kung saan batay sa tala, nasa mahigit 33,000 ang naadik dito noong 2015.
Ang opioids ay prescription painkillers na isandaang beses na mas malakas ang tama kaysa sa morphine na maaaring magresulta sa drug overdose.
—-