(11AM Update)
Lumakas ang bagyong Quedan na ngayo’y isa nang severe tropical storm habang tumatawid sa Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,155 kilometro silangang bahagi ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 90 kilometro kada oras at pagbugsong nasa 115 kilometro kada oras.
Tinatahak ng bagyong Quedan ang direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 21 kilometro kada oras.
Bagaman posibleng hindi tumama ang bagyo sa kalupaan inaaasahang magdudulot pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan at maulap na papawirin sa Visayas at Bicol Region maging sa Aurora at Quezon.
Wala namang nakataas na tropical cyclone warning signal sa buong bansa.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo sa Sabado.
—-