Walang naitatalang kaso ng panic buying sa Guam sa harap ng bantang pag atake doon ng North Korea
Ayon kay Philippine Consul General to Guam, Marciano de Borja, panatag pa ang sitwasyon sa isla at hindi rin apektado ang turismo roon
Pero nakalatag na anya ang contingency plan nila sakaling may mangyaring gulo
Ayon pa kay De Borja, tumawag na si US President Donald Trump kay Guam Governor Eddie Calvo at nangako ang Pangulo na dedepensahan ang kanilang teritoryo
Handa na anya ang terminal high altitude area defense ng isla na siyang gagamiting pansalag sakaling may pumasok na mga missile sa kanilang lugar