Humataw sa Mindanao ang Trabaho Partylist kung saan ito ay itinanghal na top 5 partylist.
Ito’y ayon sa pinakahuling Pre-Election Preferences for the 2025 Party-List Elections survey na isinagawa ng WR Numero Research (WRN).
Batay sa datos ng COMELEC, mayroong 16,433,308 rehistradong botante mula sa anim na mga rehiyon sa Mindanao, kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Umarangkada lalo sa Metro Manila ang Trabaho kung saan ito ay itinanghal na top 3 partylist. Ito na rin ang pinakamataas na naitalang ranggo ng grupo, bilang 106 sa balota, sa mga survey na isinagawa ng WRN.
Nabatid na ang nasabing survey ay nilahukan ng halos 1,894 rehistradong botante nitong Marso 31 hanggang Abril 7.
Sinasabing sa kakatapos lamang na Labor Day, pinagtibay ng 106 Trabaho Partylist ang kanilang adhikain na isulong ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, pati na rin ang kanilang patas na oportunidad sa trabaho.
Sa isang Labor Day greeting video ni celebrity host Melai Cantiveros-Francisco, tinalakay niya ang importansya ng pagkakaroon ng work-life balance, tamang sahod at benepisyo na siyang mga isinusulong ng Trabaho.