Nagpalabas na ng traffic re-routing ang Manila Traffic Enforcement Unit para sa thanksgiving procession ng poong itim na Nazareno sa Martes, December 31 bisperas ng bagong taon.
Mula sa Plaza Miranda o harap ng simbahan ng Quiapo, kakaliwa ang prusisyon sa Quezon blvd., kakanan sa Claro M. Recto, kanan sa Loyola, kanan sa Bilibid Viejo, kaliwa sa Gil Puyat St, kaliwa sa Z.P. De Guzman.
Kanan sa Hidalgo, kaliwa sa Quezon blvd., daraan sa ilalim ng Quezon Bridge, daraan sa Palanca, kanan sa Villalobos pabalik sa Plaza Miranda.
Alas 8:30 pa lamang ng gabi bukas, araw ng Lunes, isasara ang Southbound lane ng Quezon Blvd. Mula A.Mendoza o Fugoso hanggang Plaza Miranda.
Sarado rin ang España blvd., P. Campa, Lerma, Eastbound lane ng Claro M. Recto mula Rizal Avenue hanggang S.H. Loyola Street.
Dahil dito, ang lahat ng mga sasakyang magmumula sa Quezon City na daraan sa Southbound lane ng España blvd. ay dapat kumanan sa P. Campa, kumaliwa sa A. Mendoza, kanan sa Fugoso, kaliwa sa Rizal Avenue patungo sa destinasyon.
Sa mga magmumula naman sa A.Mendoza na daraan sa Quezon blvd. ay kailangang kumanan sa Fugoso, kaliwa sa Rizal Avenue patungo sa destinasyon.
Maaari namang kumaliwa sa Rizal Avenue hanggang sa makarating sa destinasyon ang mga motorista na babagtas sa Eastbound ng Claro M. Recto mula sa Divisoria. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5).