Ilang taon na ang nakalipas nang gimbalin ng Corona Virus ang buong mundo at ilang taon na rin ang nagdaan nang magsimulang mag-recover ang mga tao mula rito. Pero mayroon pa palang mga tila hindi maka-move on sa takot sa virus at ilang taon na nagkulong sa bahay dahil dito.
Kung ano ang buong kwento ng pamilya na ito, eto.
Taong 2021 nang lumipat ang pamilya Steffen sa Oviedo, Spain at simula nang dumating ang mga ito ay naging mailap agad sila sa mga kapitbahay.
Sa sobrang pag-iingat ng mga ito, tanging ang philosopher na padre de pamilya na si Christian lang ang lumalabas sa kanilang bahay para mag-receive ng inorder nilang groceries mula sa delivery riders.
Kapansin-pansin din daw na pagpatak ng 5:10 ng hapon ay nakababa na ang window blinds mula sa kwarto ng mga anak nito na 8 at 10 years old na namataang nakasilip.
Ang mga patterns na yan ay nagmula sa obserbasyon ng kapitbahay nila na tinawag sa pangalang Silvia. Tumawag ito sa mga otoridad nang mapansin na ang mga bata sa katapat niyang bahay ay masyado nang matanda para sa mga diaper na nakikita niyang idinedeliver sa bahay ng Steffen family.
Dahil dito ay agad na inimbestigahan ng polisya ang bahay ng nasabing pamilya at doon natagpuan ang nagkakat na maruruming diapers at sanitary napkins ng nanay na si Melissa.
Nang suriin ang mga bata, napag-alaman na mayroong severe constipation ang mga ito dahil hindi raw sila pinapayagang gumamit ng banyo at pinagsusuot lang ng diapers.
Takot daw ang dahilan ng mga magulang kung bakit sila nakakulong sa bahay dahil sa paniniwala na mayroong sakit ang mga anak nila at mamamatay ang mga ito kapag nahawaan ng virus.
Samantala, napilitan lang din ang pamilya na lumipat sa spain matapos matakot ng mag-asawa na maabisuhan ang social services ng germany nang makiusap at ma-deny ang request nila sa eskwelahan ng mga bata na ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga ito nang hindi pumapasok sa school.
Gayunman, nakaligtas na ang mga bata habang ang mga magulang naman nila, na ayon sa psychologists ay maaaring mayroong COVID Syndrome, ay mahaharap sa lima hanggang pitong taon na pagkakakulong na maaari pang madagdagan kung mayroon pang madadagdag na reklamo laban sa mga ito.
Sa mga labis na naapektuhan noong pandemic, tuluyan na ba kayong naka-recover o napapraning pa rin kayo kapag nakakaramdam ng mga sintomas ng COVID?