Sa labis na kaadikan sa online games, napilitan ang isang tatay na ipapatay ang karakter ng kaniyang anak sa video games dahil sa kagustuhan na maghanap na ito ng trabaho at tigilan na ang paglalaro.
Kung paano isinagawa ng tatay ang kaniyang plano, eto.
23-anyos na noon ang anak ng Chinese man na kinilalang si Mr. Feng pero wala pa rin itong trabaho.
Sa halip kasi na maghanap ng pagkakakitaan, mas pinili ng kaniyang anak na magbabad sa paglalaro ng video games. Sa katunayan, high school pa lang ay naglalaro na ito.
Bilang resulta ng labis na kaadikan dito, hindi naging maganda ang academic performance ng anak ni Mr. Feng kung kaya hindi ito makahanap ng trabaho.
Dahil sa pag-aalala sa anak dulot ng mahabang oras na inilalaan nito sa paglalaro, nag-hire si Mr. Feng ng mga virtual assassin na papatay sa karakter ng kaniyang anak sa online games dahil sa pag-iisip na mawawalan ito ng gana dahil sa sunud-sunod na pagkatalo.
Ang mga online hitmen pa man din na hinire ni Mr. Feng ay higit na mas malalakas maglaro at may mas matataas na ranks kumpara sa kaniyang anak.
Pero ang anak ni Feng, hindi nagpatinag at tuluy-tuloy pa rin sa kaniyang online gaming addiction.
Bagama’t hindi umubra ang pinlano ni Mr. Feng para sa kaniyang anak, sinabi umano nito na kahit hindi ito naghahanap ng trabaho ay susulitin nito ang kaniyang oras para mahanap ang tamang trabaho para sa kaniya.
Sa mga mahilig tumambay sa computer shops para maglaro diyan, sigurado ba kayo na natututukan niyo ang pg-aaral niyo at hindi lang kayo sa screen nakatutok?