Epektibo na ngayong buwan ang taas-singil sa kuryente ng Meralco.
Batay sa inilabas ng kumpanya, tataas ng P0.49 kada kilowatt-hour ang singil sa kuryente.
Tinatayang P98.00 ang madaragdag sa bill ng kabahayan na kumukonsumo ng 200 kilowatt-hour kada buwan.
Paliwanag ng Meralco, bunsod ito ng mas mataas na generation charges, na dulot ng pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado at panghina ng piso kontra dolyar.
Tumaas din anila ang singil mula sa kanilang mga power supply agreements at independent power producers. - sa panulat ni Jenn Patrolla