Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Suspek sa mag-asawang pinatay sa Laguna arestado

by DWIZ 882 September 11, 2015 0 comment

Naaresto ng mga otoridad ang isa sa mga suspek sa  pagpatay sa mag-asawang sina Liezelle at Merlito  Morales sa Los baños, Laguna.

Ayon sa report, kinilala ang suspek na si Donald Tabangcura na nahuli sa manhunt operation ng  Philiipine National Police.

Positibong kinilala ng mga testigo si Tabangcura  na isa sa   mga bumaril sa mag  asawa at  naghagis ng 2  granada sa sasakyan ng mga biktima.

Natunton ng mga otoridad si Tabangcura sa     pamamagitan ng facebook.

Itinanggi naman ng suspek ang pagpaslang sa mag-asawa.

Matatandaang Lunes, nang matagpuang  patay  ang  mag-asawang  Morales sa  loob ng  sasakyang   pinasabog    ng mga  suspek.

 

By: Ralph Obina | Aileen Taliping (Patrol 23)

 

 

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment