Umaabot sa mahigit 1 Milyong katao na gumagamit at tulak ng droga ang sumuko sa mga otoridad sa buong bansa.
Batay sa datos ng DILG o Department of the Interior and Local Government, kabuuang 1,003,118 ang bilang ng drug surrenderees mula Hulyo 1 hanggang Disyembre 30.
Sa naturang bilang, 92.54%ay pawang mga drug user.
Umaabot naman sa 42,978 na drug pushers at users ang naaresto, habang 2,166 drug personalities ang na-neutralize sa police operations.
By: Meann Tanbio