Naaalarama si House Committee on Basic Education and Culture Chairman at Pasig City Representative Roman Romulo sa ulat na mataas na bilang ng mga ‘functional illiterate’ o hirap umunawa sa pagbabasa ang mga senior at junior high school graduate noong nakaraang taon.
Kasunod ito ng inilabas ng Philippine Statistics Authority sa pagdinig ng Senado na aabot sa halos labing siyam na milyong Pilipino na nagtapos ng nasabing baitang ang hirap umunawa.
Inamin sa DWIZ ni Congressman Romulo na mali ang education system ng bansa dahil sa labis na aralin ng mga mag-aaral.
Kaya naman umapela ang mambabatas sa deped na dapat paganahin na ang National Educators Academy of the Philippines upang sanayin ang mga guro sa pagtuturo ng mga basic sa pagbabasa at pagsusulat.