Nasa ligtas nang kondisyon ang 74 anyos na tigawalis o street sweeper na sinagasaan ng SUV sa Barangay BF Homes, Parañaque City noong September 24.
Magugunitang dalawang beses nag-agaw-buhay si Doreen Bacus nang isugod sa ospital dahil sa tinamong pinsala sa dibdib at iba’t ibang bahagi ng katawan.
Bagaman naaresto ang suspek at Mitsubishi Pajero driver na si Raymond Zaparain, nakalaya ito matapos magpiyansa.
Kamakailan naman ay inoperahan ang biktimang senior citizen dahil sa natamo nitong pinsala sa ulo, natanggal na kaliwang tainga, natapyas na kanang pisngi at nabaling dalawang daliri sa kaliwang kamay.
Makaraan ang ilang araw ay nakarekober at tuluyan nang nailayo sa kapamahakan ang biktimang empleyado ng City Environment and Natural Resources Office.
Samantala, nagpaabot na rin ng tulong si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez Kay Bacus.