Tinututukan na ng Department of Justice ang kumakalat na balita na mayroon umanong serye ng hawaan ng Sexually Transmitted Disease (STD) sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers.
Agad ipinag-utos ng DOJ sa National Bureau of Investigation na magkasa ng imbestigasyon kahit hindi pa man natutukoy ang lawak ng hawaan.
Ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano, batay sa kanilang mga natanggap na ulat ay mayroong 15 hanggang 20 STD cases sa isang POGO Company.
Hindi na anya nila hihintaying paabutin pa sa mga Pilipino ang nasabing sakit.
Umaasa naman ang kagawaran na matitigil na ang iba’t ibang isyung lumalaganap dulot ng POGO.