Tinalakay din sa ikalawang bugso ng Pili-Pinas Debates 2022: The Turning Point ang mga solusyon sa kinakaharap na problema sa tubig.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, kabilang sa kanyang ipinanukala ang infrastructure program, tulad ng water resource management at bagong source ng tubig, partikular ang mga ilog.
Hinimok ni Senator Panfilo Lacson na itaas dagdagan ang pondo para sa research at development spending upang maiwasan ang waste water at i-promote ang paggamit sa sustainable water.
Sa panig ni Manila Mayor Isko Moreno, dapat anyang mag-invest ang mga water company sa imprastraktura upang matiyak na may access sa malinis na inuming tubig ang bawat kabayahan.
Naniniwala naman si dating Defense Secretary Norberto Gonzales na kailangan ng isang national strategy upang mabatid kung paano pangangasiwaan nang maayos ang water supply ng bansa.
Samantala, isinulong ni Senator Manny Pacquiao ang paglikha ng Department of Water.