HomeNATIONAL NEWSMATAPOS LAGDAAN NI PBBM ANG EO NO. 94 PARA SA PAGBUO NG INDEPENDENT COMMISSION, PAGDINIG SA ISYU NG FLOOD CONTROL PROJECTS, HANDANG ITIGIL NG HOUSE INFRA-COMM
Ihihirit ni Solicitor-General Jose Calida sa mga Korte ang pagbasura sa bail-bond para sa pansamantalang kalayaan ng mga consultant ng National Democratic Front.
Ito’y makaraang magdesisyon ang gobyerno na suspendehin ang back-channel talks sa rebeldeng grupo dahil sa pananambang ng New People’s Army sa convoy ng Presidential Security Group sa Arakan, North Cotabato.
Ayon kay Calida, maghahain sila ng mosyon sa mga hukuman upang kanselahin ang mga piyansa ng mga N.D.F. Consultant at iutos ang muling pag-aresto sa kanila at ibalik sa piitan.
Ang pansamantala anyang kalayaan ng mga consultant ay may kaakibat na kondisyon at kabilang na rito ang pagbawi sa piyansa kapag natapos o kinansela ang usapang pang-kapayapaan.
By: Drew Nacino / Bert Mozo
SolGen Calida ihihirit sa korte sa pagbasura sa bail-bond ng mga NDF Consultant was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882