Minsan, hindi natin namamalayan na sobra na tayong naaapektuhan ng nakikita at nababasa sa social media. Kaya mahalaga rin ang “detox” mula sa tinatawag na doomscrolling.
Ayon sa mga eksperto, magandang simulan ito sa paglalagay ng digital curfew o oras kung kailan hindi na dapat ginagamit ang cellphone. Mainam din kung gagamit ng built-in time limit feature sa apps, o pansamantalang i-uninstall ang mga madalas pag-scroll-an.
Bilang alternatibo, subukan ang offline activities tulad ng paglalakad, pag-eehersisyo, pagdalo sa social gatherings, o simpleng pakikipag-usap sa kaibigan.