Siyam na batang nabakunahan ng dengvaxia ang nananatili at patuloy na inoobserbahan sa isang ospital sa Pampanga.
Ayon sa pamunuan ng Jose B. Lingad Memorial regional hospital sa San Fernando, kanila nang sinagot ang lahat sa gastusin ng mga na-confine na mga pasyenteng naturukan ng dengvaxia.
Dinalaw naman nina Department of Health Assistant Secretary Francine Laxamana at Central Luzon Regional Director Assistant Secretary Leonita Gorgolan ang mga nasabing bata.
Kanilang ring tiniyak na nasa maayos na kondisyon ang mga ito.
Patuloy namang makikipag-ugnayan ang DOH sa mga local government units para sa pagbibigay ng agarang medical attention sa mga pasyenteng makararanas ng sintomas ng dengue.