Naging magaan naman ang situwasyon ng daloy ng trapiko sa paligid ng Ninoy Aquino International Airport dahil karamihan sa mga pasahero ay lumuwas na noon pang weekend.
Hindi rin naging mabigat ang daloy ng trapiko sa North Luzon Expressway kahapon.
Gayunman, dakong ala 6:30 kagabi nang bahagyang magsikip ang daloy ng mga sasakyan sa Balintawak at Mindanao Avenue Exit dahil sa banggaan ng isang bus at private vehicle.
Bumigat ang usad ng mga sasakyan sa northbound lane ng South Luzon Expressway dahil sa nabanggit na aksidente.