Home NATIONAL NEWS Pilipino, arestado sa Laos dahil sa pagpupuslit ng droga; death penalty, posibleng kaharapin

Lacson, itinanggi ang December 16 impeachment verdict

by DWIZ 882 October 3, 2026 0 comment
PING LACSON

Itinanggi ni Senador Ping Lacson ang pahayag ni impeachment court spokesperson Atty. Reginald Tongol na maaaring magkaroon ng hatol ang impeachment court sa kaso ni Vice President Sara Duterte pagsapit ng December 16.

Ayon kay Lacson, hindi niya alam kung saan nanggaling ang naturang petsa dahil hindi pa umano tapos ang paglalahad ng panig ng prosecution at hindi pa rin nagsisimula ang defense presentation.

Giit niya, nakadepende ang magiging timeline sa bilis ng pagharap ng defense sa kanilang mga testigo at ebidensya.

Hindi rin maaaring itakda agad ang eksaktong petsa ng botohan dahil maaari pang magkaroon ng mga bagong testigo o ebidensyang matuklasan habang nagpapatuloy ang paglilitis.

Sinabi rin ni Lacson na sumasang-ayon siya sa naging reaksyon ni Senador Kiko Pangilinan na hindi dapat pangunahan ng spokesperson ang mga desisyon o timeline ng impeachment court.

Ayon kay Lacson, bilang spokesperson ng impeachment court, dapat munang may koordinasyon at napagkasunduan ng mismong impeachment court bago maglabas ng naturang pahayag.

Binigyang-diin ni Lacson na ang December 16 target ay hindi maituturing na opisyal na pahayag ng impeachment court.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment