Pinag-aaralan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang posibleng pagsasampa ng kaso laban kay Senadora Risa Hontiveros.
Ito ay makaraang isapubliko ni Hontiveros ang larawan ng umano’y palitan ng text messages sa pagitan ni Aguirre at dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras.
Iginiit ni Aguirre na pribadong usapan ang text messages at maituturing iligal ang hindi awtorisadong panghihimasok.
Sinabi ni Aguirre na pinag-aaralan niya ring kasuhan ang mismong kumuha ng larawan habang siya nakikipag-text.
—-