Kumpiyansa ang pharmaceutical company na Sanofi sa nilulutong bakuna nito kontra COVID-19.
Ayon sa pamunuan ng kumpanya, nasa kalagitnaan ito ng pag-aaral ng kanilang aniya’y may potensyal na bakunang makatutulong sa buong mundo.
Paliwanag ng Sanofi, batay sa paunang datos na kanilang nakuha, nasa ‘right track’ ang kumpanya sa pagbuo ng bakuna.
Ito’y dahil aabot na sa 30 mga experimental shot ang kanilang nagawa bilang bahagi ng human trial, para matukoy ang mga posibleng maging epekto nito oras na iturok sa mga tao.
Kasunod nito, nasa kalagitnaan na rin ng pakikipag-usap ang naturang pharmaceutical company sa ilang mga bansa na interesado sa kanilang mabubuong bakuna.
Samantala, giit ng mga eksperto, magpahanggang sa ngayon ay wala pa ring inaaprubahang bakuna kontra COVID-19.