Nakatakdang mag-donate ang Russia ng mga bagong armas sa Armed Forces of the Philippines o AFP.
Ito ang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagharap sa mga sundalo’t pulis sa ground breaking ceremony ng Scout Ranger Ville sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan.
Aminado si Pangulong Duterte na iniiwasan ng Russian Government na isapubliko ang donasyon subalit malalaman din naman anya ito ng taumbayan.
Nakatakda anyang dumating sa Oktubre 22 ang mga armas na binubuo ng 5,000 Kalashnikov Rifles o A.K. kasama ang ilang milyong bala at 20 military trucks.