Hindi nakikita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangangailangan ng emergency powers para kaniyang solusyunan ang problema sa trapiko.
Ito mismo ang inihayag ng pangulo at sinabing wala siyang balak humiling nito sa Kongreso para tugunan ang matinding trapiko partikular sa Edsa.
Ayon kay Pangulong Duterte, nagsisimula pa lamang siya bilang punong ehekutibo ay nakita na niyang malaki ang kailangang gawin sa Edsa at hindi basta lamang idadaan ito sa normal na bidding at iba pang proseso ang solusyon sa trapiko.
Nuon aniya ay gusto rin niya ang emergency powers na ibinigay nuon kay dating Pangulong Fidel Ramos at Benigno Aquino III, ngunit nang marinig niya umano ang talakayan hinggil dito sa Kongreso at tinututulan ng ilang senador ay inayawan na rin niya ito.
I cannot complete the project (Edsa). I cannot clear Edsa with the remaining years of my terms. Pag kinuha ko yan at umalis ako ng hindi tapos, may maiwan pa. Iniwan pa ng incomplete. As a matter of fact, you cannot complete the project in three (3) or four (4) years,” — Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ng pangulo na alam na niya ngayon na hindi emergency powers ang makakatulong para kaniyang masulusyunan ang trapiko sa natitira niyang panahon bilang pangulo.