Kinumpirma ng Russia na muli silang nagsagawa ng missile test.
Sa kauna-unahang pagpakakataon, isang hypersonic Tsirkon cruise missile ang pinalipad ng Russia mula sa isang nuclear submarine.
Ayon sa Russian Defense Ministry, isinagawa ang missile test sa barents sea at naging matagumpay namang natamaan ang target.
Una nang inihayag ni Russian President Vladimir Putin na ang naturang missile ay bahagi ng new generation arms systems na hindi umano kayang tapatan ninuman.—sa panulat ni Drew Nacino