Sinita ng mga senador ang Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) dahil sa sinasabing revolving door policy pagdating sa accreditation ng mga kontratista ng government infrastructure projects na blacklisted na.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, partikular na tinukoy ni Senate Minority Leader Tito Sotto ang construction firms na St. Gerrard at St. Timothy na parehong pagmamay-ari ni Sara Discaya.
Paliwanag ni PCAB Chairperson Pericles Dakay, may limit ang panahon ng blacklisting ng DPWH at kapag natanggal ang blacklisting at walang verified complaint ay nabibigyan muli ng accreditation ang anumang kumpanya.
Bagamat hindi kumbinsido si Senador Sotto sa paliwanag ng PCAB official, ibinunyag niya na sinabi na mismo ni Pangulong Marcos na gusto na nitong sibakin ang ilang opisyal ng PCAB.