Kumpiyansa ang Department of Foreign Affairs o DFA na matutuloy ang ikinakasang pagpupulong ng mga bansang nakikipaglaban sa kanilang teritoryo sa South China Sea.
Ayon kay DFA Assistant Secretary Maria Helen dela Vega, malaki ang posibilidad na magkatotoo ang pulong bagama’t una nang sinabi ni resigned DFA Secretary Albert del Rosario na plano pa lamang ito.
Nagkakaroon na aniya ng pagkakataon na biglaang nagpupulong ang mga claimant countries sa pamamagitan ng mga informal meetings.
Kung matutuloy, isasagawa ang pulong kasabay ng United States – ASEAN Summit na gagawin sa California sa Amerika.
By Jaymark Dagala