Inatasan ng National Telecommunications Commissions (NTC) ang lahat ng public telecommunication entities na maghatid ng uninterrupted services o tuloy-tuloy na serbisyo.
Ito’y sa gitna ng paghahanda sa magaganap na halalan bukas, Mayo 13.
Kaugnay nito, kinakailangan din na magpakalat ng tauhan ang mga telco para masiguro ang walang aberyang operasyon ng mga network.
Binigyan diin din ng NTC na dapat bigyang prayoridad sa kanilang serbisyo ang Commission on Elections (Comelec).
Matatandaang una nang siniguro ni Philippine National Police Chief Gen. Oscar Albayalde sa publiko sa katatapos na paglulunsad ng national election monitoring action center na ang mobile signals sa mga police station areas ay malakas.