Inamin ng MMDA na kailangan pa ng mas maraming pag aaral at pagsusuri bago ipatupad ang pagbabawal ng provincial buses sa kahabaan ng EDSA.
Ito ayon kay MMDA EDSA Traffic Chief Bong Nebrija ay para hindi na rin makaabala sa mga pasahero lalo na sa darating na May 13 elections.
Sinabi nina Nebrija at LTFRB Chairman Martin Delgra na dapat muna nilang tugunan ang ilang concerns para sa implementasyon ng nasabing regulasyon na nag o-obliga sa local government units para kanselahin ang business permits ng mga provincial bus terminal sa EDSA.
Dahil dito, kaya’t hindi muna isasara ang mga bus terminal na nasa kahabaan ng EDSA hanggang hindi naisasapinal ng DOTR at LTFRB ang implementing rules and regulations at guidelines para ilipat ang bus terminals sa Valenzuela City para sa mga may ruta sa Northern Luzon at sa Santa Rosa City sa Laguna para naman sa mga patungong south.
Nilinaw ni Nebrija na hindi kina kansela ng MMDA ang pagpapatupad ng naturang polisiya kundi sinuspinde lang pansamantala at maaaring ipatupad pagkatapos ng eleksyon.
Una nang sinuspindi ng MMDA ang dry run na nakatakda sana sa May 15 para maiwasan na rin umanong ma delay ang mga pasaherong magtutungo sa kanilang mga lalawigan at babalik sa Maynila para makaboto sa May 13.