Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-release sa kalahating bilyong Pisong pondo para sa treatment and rehabilitation ng mga sundalong nasugatan o na-baldado dahil sa digmaan sa Marawi City.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdalo sa launching ng karne, isda supply suporta sa masa at ekonomiya o KISS Project ng Department of Agriculture sa Bonifacio Naval Station Officers’ Clubhouse social hall, sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Ayon sa punong ehekutibo, magmumula ang pondo sa mga binayarang utang sa gobyerno ng mga malalaking kumpanya gaya ng Philippine Airlines.
Gagamitin anya ang pondo sa therapy at pagbili ng mga titanium materials na karaniwang ginagamit sa bone replacement sa ibang bansa na makatutulong naman sa mga sundalong nababaldado.