Tumanggi si Pangulong Rodrigo Duterte na patulan ang mga banat ni Senador Antonio Trillanes dahil wala aniyang kakuwenta-kuwentang pag-aksayahan siya ng panahon.
Ito ang inihayag kahapon ni Pagulong Duterte kasunod ng pahayag ni Trillanes na hahabulin niya ang Pangulo at pananagutin sa mga kasalanan nito.
Sa kabila nito, nanatiling tahimik ang Pangulo at sinabing sayang ang panahon kung papansinin niya ang Senador.
Una nang nagbanta si Trillanes na ilalantad ang tunay na katauhan ng Pangulo kaugnay sa isyu ng Davao Death Squad matapos bumaligtad ng testimonya si dating SPO3 Arthur Lascañas.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping