Tinapos na ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa inihaing kaso ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa 13 pulis na sangkot sa maanomalyang drug buy bust operations sa Pampanga noong 2013.
Ayon sa DOJ panel of prosecutors, submitted for resolution na ang kaso matapos namang makapagsumite ng rejoinder affidavit ng mga sangkot na pulis at iba pang mga respondent sa kaso.
Maliban sa mga nasakdal na ‘ninja cops’, dumalo rin sa huling preliminary investigatoon ang team leader ng operasyon sa Mexico, Pampanga na si Police Major Rodney Baloyo.
Dumating rin sa pagdinig si dating PNP chief Ret. Gen. Oscar Albayalde kung saan pinanumpaan nito ang rejoinder affidavit.
Sinabi ni Senior Assistant State Prosecutor Alexander Suarez, kanilang ipalalabas ang resolusyon kung tuluyang isasampa ang kaso sa korte o ibabasura ito sa loob ng 90 araw.